Monday, December 22, 2008

trabaho sa ika-disyembre 23

buong araw na walang tao sa opisina ngayon. ako lang. walang maligalig na boss at walang mga chismosong/chismosang mga opismates. e kasi naman december 23 na. wala ng gustong pumasok sa opisina (maliban sa aking nangangailangan ng pera). dahil sa araw na ito, parang nadeklara ko na din ang araw ng kalayaan para sa akin dahil pwde akong magpasa ng resume sa internet, magchat at magblog buong maghapon. o di ba, ang saya! nakatipid pa ako sa kuryente sa bahay sa pagpasok ko sa opisina.

owel, e di eto na nga at nagbla-blog na nga ako ngayon. kakatapos lang ng lunchbreak ko. masaya naman at tahimik. nakapagpasa na ako ng ilang mga resume. gumawa na din ng ilang cover letter at nag fill up na din ng mga bio data. para bang naghahanda na talaga ako sa pag alis sa opisinang ito.

actually, noon ko pa gustong umalis. bagamat 3 buwan pa lang ako dito, pakiramdam ko e nasentensyahan na ako ng 5 taong pagkabilanggo. nakakainis dahil dati lagi kong sinasabi na lagi akong may option sa lahat ng pagkakataon. kung dati rati e anytime e pwde akong umalis bstat gusto ko, ngayon parang kelangan ko pa munang umakyat sa bundok para magmeditate bago magdesisyon kung magreresign ba ako sa trabaho kong ito o hindi.

nakakainis kasi ang hirap maghanap ng trabaho ngayon. sa hirap maghanap ng trabaho ngayon, eto ako at atat na atat sa pagreresign. asan na ang confidence ko?

dami ko pa sanang sasabihin pero tinatamad na ako.

Tuesday, December 9, 2008

pasensya na wala lang mapagbalingan sa oras na ito. hindi ko alam kung ano ba talaga ang dapat na maramdaman ko sa oras na ito. lagi na lang kasi parang ako may pagkukulang. lagi na lang ako ang dapat umunawa. nakikipag usap naman ako ng maayos. bigla ka na lang magagalit. lagi mong pinaparamdam sakin na ako ang laging mali at ikaw ang tama. ikaw ang laging magaling. ano ba talaga? badtrip! Boss naman... wag ganun!

Saturday, October 18, 2008

diskriminasyon sa pagiging iska

mahigit na akong isang buwan sa aking unang trabaho at mahigit isang buwan na din akong nadedepress. mahigit isang buwan na din akong naghahanap ng bagong kaibigan. kung iisipin kong maigi, mahigit isang buwan na din akong nagmamaktol sa aking mga kaopisina, sa stressful na trabaho at malungkot na working environment. obviously, mahigit isang buwan na din akong umaayaw sa pagtratrabaho.

bukod sa kamangmangan ko sa pagiging empleyada sa isang unibersidad (which is by the way, isang d naman kagalingan na unibersidad), parang napagisip isip kong mali yata ang pinasok kong trabaho. bukod sa isang clerical/administrative job pala ito (na sa pagkakaintindi ko ay dapat na research work talaga with community extension), ay parang nagmumukha na akong kakatwa sa pagiging taga UP ko.

hindi ko alam kung diskriminasyon ba talaga ito o talagang hindi lang kompatibol ang aking pagiging iska sa isang unibersidad na ito. sa mahigit na isang buwan sa unibersidad na pinapasukan ko, ito ang mga bagay d ko mawari kung ang dahilan ba nito ay pagiging taga UP ako o talagang kultura na lang nila ang bagay na ito.

  1. people dont accept an "i dont know" type of answer. e sa hindi ko alam e. i cant pretend to know everything. hindi ako perpekto.
  2. bawal magkamali.
  3. matataas mga expectations. minimal lang talaga ang dapat na mga mali. ang minor mistakes nagiging big deal. (talagang pinaparamdam nila sa akin kung gano sila kafrustrated sa aking pagkakamaling iyon)
  4. ang pagiging idealistic ko ay weird para sa kanila.
  5. ayaw nila ng matanong. naiirita sila.
  6. pag may tinatanong ako, d ako minsan pinapansin.
  7. pag nagbibigay ako ng opinion, iba din ang dating.
  8. lahat ng bagay sinisilip nila sa akin. pati raket ko kinukwenta kung magkano ang nakukuha ko.
  9. they stereotyped me as being rebelde, palaban, makulit etc. bakit daw hindi ko na lang tanggapin ang bagay bagay ng basta bsta.
  10. bilin sa kin ng mga officemates ko na wag ipapaabot sa boss agad pag nagkaroon ng mga problem sa office.pero pag may mga mali ako kahit na maliit na bagay lang e nakakarating sa boss.
  11. dinedemand akong magenglish sa lahat ng tao dahil un daw ang policy pero ni isa sa office e walang nag eenglish. at dahil sa walang ngenglish sa office d rin ako ngenglish. so napagalitan ako dahil dun. bakit ako magenglish kung lahat ng tao kinakausap ako sa tagalog.
  12. bawal biruin ang mga mga superiors. pero dahil sa friendly ako, hinihiritan ko minsan ang boss namin pati ang mga deans. nagugulat ang mga officemates ko dahil dun. at mula noon ay pinagbawalan akong gawin un.
  13. open target ako sa pambabara ng mga tao.
  14. may mga bagay na pag ginawa ko or sinabi ko e may magcomment agad na, "taga UP ka nga!"
  15. tingin ng mga officemates ko na wala akong pakealam sa mundo.
  16. may mga hirit din ang mga officemates na "walang ganyan dito, hindi ito UP!"
  17. bawal kwestiyonin ang sistema, kultura at pagiisip ng mga tao. duh!
  18. may mga trabaho na gusto ipasa agad sa akin kahit wala pa kong alam sa bagay na iyon.
  19. ayaw akong bigyan ng pagkakataon para umakyat.
  20. ginagawa akong aktibista at taga salo ng mga potential pananabon ng boss.
alam kong napakarami ko pang pwdeng baybayin dito at aabutin ako ng magdamag sa paglilitanya ng mga karimarimarim na mga bagay. pero eto talaga ang tumatak sa utak ko habang naglunch kami ng mga officemates ko. sabi ng senior namin(pangalawang boss), "kung d mo na kaya ang sistema dito, mabuti pang magresign ka na lang."

hmmm..sige,paghahandaan ko ang araw na iyan.

Friday, October 10, 2008

FOLLOW


FOLLOW
gawa ni: kuya maykol

You are there and I am here.
And, you and me, we are hurting.
But it’s okay. For we are where we exactly should be.
My road is not leading me to you.
For this, my hurts, I choose to not let you bear.
For this, our hopes, I choose to forsake.
And my life, I abandon for the cause.
For I am already dead.
Farewell.
abangan ang ilustrasyon ng tulang ito. ako ang yayare. pero sa ngayon, wala pa akong maisip kung para kanino ang tulang ito. masarap pa namang magpakasenti pag naulan.

Tuesday, October 7, 2008

pangalawang sweldo part 1

dumating na ulit ang payday. pangalawang payday. pangalawang pag aasam sa pera kong matagal ko ng hinihintay. salamat naman at dumating na ang araw na ito.

but no! bakit ganto?


3188.40 php!

ano naman to? bakit ganto sweldo ko?

saka ko na lang dagdagan ang entry na ito dahil talagang nakakabadtrip. nakakatawa nga e. napaiyak talaga ako habang naglalakad pauwi samin.pagkakuha ko ng pera pangbaon kinabukasan, bigla na lang nagflashback sa akin lahat ng pinaghirapan ko sa aking isang buwan sa trabaho. at dun, napaiyak talaga ako. hehehe....

lets wait and see na lang tomorrow...

Tuesday, September 30, 2008

unang sweldo part 3

dumating na ang araw na pinakahihintay ko. eto na ang araw kung kelan ako DAPAT sumweldo.

eto na! eto na! tingnan ko nga kung mapapaamo ako ng pera sa kabila ng lahat ng mga disappointments ko sa work.

lumipas ang ilang oras at ako ay pumunta na sa aking swelduhan counter. yehey!!! magkano kaya ang sweldo ko ngayon?

kaching! kaching! namumukhang slot machine na ang aking mga mata... pero wag ka, pagtingin ko sa atm....

charaaan!!!! wala pa rin akong sweldo!

nasan na ang sweldo ko? d ba nila ibibigay ngayon? holiday kaya bukas. so sa sunod pang araw ako susweldo. grabe!!!

unang sweldo part 2

sabi ng agency na mali nga daw ang kanilang pagkakainitindi sa sweldo ko, kala daw nila e per day ang rate ko. (research assistant pero per day ha!) o cya cya, ayokong magalit. pagpapasensyahan ko na lang ang kanilang kamalian tutal, pambili ko lang nman iyon ng coloring pens.

sabi ng agency sa next pay day na lang daw nila ilagay ang kabuuan ng aking sweldo which is next week.

magdiriwang ang buong opisina sa laki ng sweldo. kaya magpapakain ako kahit papano. sino gusto sumama?

Tuesday, September 23, 2008

unang sweldo part 1

ngayon ay september 23. ngayon ko matatanggap ang aking unang sweldo. kahit na tinatamad akong pumasok sa opisina, pinilit ko pa ring pumasok dahil ngayon ko makukuha ang pinakaasam asam kong sahod sa aking unang trabaho. (oo, nagmumukhang pera na talaga ako ngayon!)

so syempre, tulad ng mga nakaraang mga umaga, muntik na naman akong malate sa pagpasok.
tulad ng dati, may mga palpak na naman ako sa trabaho. tulad ng dati, may comment na naman sa akin na di tama ang mga kasamahan ko. at tulad pa rin ng dati, hindi ko maramdaman ang saya sa pagiging research assistant ko.

pero sabi ko sa sarili ko na iba ang araw na ito. kung ang mga nakaraang araw para sa akin ay madilim, ngayon ko nakikita ang liwanag. iniisip ko na magbabago ang pananaw ko sa aking trabaho pag nahawakan ko na ang aking pera. o hinde, parang d na ako makapaghintay. may listahan na ako ng mga gusto kong bilhin at kung sinu-sino ang mga taong magkakamit ng biyaya ng aking unang sweldo.

so ayan na nga, dumating na si atm. nakapangalan cyempre sa akin at may password na ****. ang saya! balak kong bumili ng pizza para sa mga officemates ko. ililibre ko sila ngayon. tutal, foundation day naman ng university na pinagtratrabahuhan namin, so why not, chocnut?

kaching!
kaching!
magwiwithdraw na ako! yehey! babayaran ko n din ang tuition ng kapatid ko. so ayun na nga, dali dali akong pumunta sa bangko at tinesting ang powers ni atm.

at charaaaaannnn......

ang aking 15 day na sahod ay tumataginting na...

1,998.26!

ano??? isang malaking ano? nasan na ang sinasabi nilang malaki ko DAW na sweldo? asan na ang balitang research staff daw ang highest paid employees sa unibersidad na ito? asan na ang mga taong nagugulat dahil sa mataas na starting salary ko? bad trip!

Friday, September 19, 2008

walaaanggg tulugaaaan!!!!

eto na naman ako at naka-bampira mode. syempre nga naman at talagang ginagawang hobby ko na ang pagpupuyat. missing the college days! sa kabila daw ng hindi magangdang epekto nito like diabetes sabi ng tatay ko, e d pa rin ako matitinag sa pagpupuyat.





INTERNET

internet lang naman ang inaatupag ko sa pagpupuyat. basa lang ng basa ng mga forums at articles sa www.peyups.com (na hanggang ngayon ay d pa rin ako myembro. bukod sa lurking, may kasama ding chat at radioblogclub. hala sige! walang patumanggang internet lang hanggat kaya ko pang idilat ang aking mga mata sa harap ng monitor.

HOUSEKEEPING

at dahil sa wala ngang nag aayos ng aming munting tahanan, naisipan kong maglinis ng konti dito sa bahay. narealize ko na hindi naman pala talaga ako ganung katamad. talagang every leap year lang kung maglinis ako ng bahay. narealize ko din na ayoko din pala ng magulo ang bahay. ayoko pala ng madumi. ewan ko kung bakit ganto mga naiisip ko ngayon.

MUSIC

hindi ako mahilig makinig ng musika. siguro kasi may pagkabingi ako at dahil sa hindi ko minsan maintindihan ng maayos ang mga sinasabi sa kanta kapag may ginagawa akong ibang bagay, e hindi na lang ako nag eeffort para pakinggan ang kanta. pero ngayong gabing ito, todo todo ako sa switchfoot. masarap din palang makinig sa mga kanta. para ding mga drama sa radyo.

CHAT

nabanggit ko na to dito kani kanina lang. napansin ko na parang napapadalas ang pagchachat ( d lang madalas, araw araw pa!) ko nitong mga nakaraang araw. hindi maganda ito sa akin. dapat may limit ang lahat ng bagay. mabilis pa naman akong maattach sa isang bagay. parang ung panonood ko ng sailormoon nung bata pa ako. restless talaga ako pag d ako makapanood ng sailormoon at si tuxedo mask. bakit nga kaya mabilis akong maobssess(mabano!) sa mga bagay bagay?

o hinde! 2:53 am na! may trabaho pa ako mamaya! pero hindi e, masaya pa ring magpuyat. masayang magmuni muni sa mga ginawa ko sa araw. masayang mag isip ng mga bagay na gusto kong gawin. masarap mangarap sa mga bagay na gusto kong makamit sa hinaharap. hay buhay! parang layp!

Thursday, September 18, 2008

God's will

bakit ba ako nagkakaganito?
nalilito talaga ako.
masaya. malungkot.at pilit na pigilan ang pagkakilig.
nakakainis talaga!
kaya ba ako ganito dahil gusto na kitang makilala?
hahaha!!! grabe! nahihiya ako habang nagtype ng mga salitang to.
para pa ngang nagblush ako e.
sino ka kaya?
nakasalubong na kaya kita?
nakasabay na kaya kita sa jip?
naging magkaklase na kaya tayo sa PE?
siguro anjan ka lang sa tabi tabi...
bakit kaya ang tagal mong magpakilala?
kanina pa ako naghihintay. sna wag ka naman malate.
ako lang ba ang naghihintay?
o ikaw talaga ang naghihintay sa akin?
ay ewan.
sana magmit na tayo sa personal.
pero tuwing iniisip ko yun parang ayoko pa.
parang d pa pala ako handa.
d ko alam kung kelan ako magiging handa.
iniisip ko na baka nalulungkot lang ako ngayon kaya hinahanap na naman kita.
lilipas din ito.
alam ko.
bsta wag ka ma late ha?

Sunday, September 14, 2008

to every guy

To every guy who said, "Sex CAN wait"
To every guy who said, "You're beautiful."
To every guy that was never too busy to drive across town to see her.
To every guy that gives her flowers and a card when she is sick or down.
To every guy who has given her flowers just because thats how he rolls.
To every guy that said he would die for her.
To every guy that really would.
To every guy that did what she wanted to do.
To every guy that cried in front of her. ....
To every guy that she cried in front of...
To every guy that holds hands with her.
To every guy that kisses her with meaning.
To every guy that hugs her when she's sad.
To every guy that hugs her for no reason at all.
To every guy who would give their jacket up for her.
To every guy that calls to make sure she got home safe.
To every guy that would sit and wait for her for hours just to see her for ten minutes.....
To every guy that would give his seat up...
To every guy that just wants to cuddle.
To every guy that reassured her that she was beautiful no matter what.
To every guy who told his secrets to her.
To every guy that tried to show how much he cared through every word and every breath.
To every guy that thought maybe this could be the one.
To every guy that believed in her dreams.
To every guy that would have done anything so she could achieve them.
To every guy that never laughed at her when she told him her dreams.
To every guy that walked her to her car and opened the door.
To every guy that gave his heart.
To every guy who prays that she is happy even if you are not with her.

Not many girls appreciate nice guys anymore...
And because of this, there are not many left out there...

**********

nakuha ko lang to sa friendster bulletin. and yes i pray na ganto si God's will.

Thursday, September 11, 2008

bakit ba lagi na lang akong naghihintay?
napapagod na ako.
tulad ngayon, naghihintay na naman ako.
aaayyyy.....nakakainis!
sana naman sa susunod, ikaw naman ang maghintay sa akin.

Saturday, September 6, 2008




"Darating din si Barney, d mo pa lang alam kung sino ang nasa likod ng mascot..."
-deneb-

**********


salamat deneb sa sinabi mo kagabi. natawa talaga ako sa sinabi mo sa chat. oo nga naman, kelangan kong hintayin si barney kahit na medyo matatagalan pa.

2 araw ng pagiging RA

FRIDAY:
unang araw ng aking pagiging RA.
pil-up ng mga forms, philhealth, pag-ibig at kung anu-ano pa.
punta sa HR. balik sa department.
hi at hello sa mga tao.
familiarize sa mga gamit, facilities at pati photocopy machine.
libot kung san san at pakilala sa mga tao.
biruan with the faculty. sabay sa hirit at bungisngis.
lunchbreak. kain kasama ang mga officemates at faculty.
balik sa opis.
gawa.gawa.gawa.
hintay ng mag-alas 5.
hay salamat! uwian na!

SATURDAY:
time in ng 7:29 am. ang aga!
bukas ng pc.
friendster agad! add sa friends si SA.
check ang email.
kwento kwento habang wala pa ang mga kaopisina.
hanap ang ym sa pc. check ng mga online people.
receive ng mga documents.
gawa ng letter.
photocopy.
encode ng data.
chat habang wala si boss.
yehey! lunchbreak na!


**************

sa wakas may trabaho na ako! pero bakit d pa rin ako masaya?

Thursday, September 4, 2008

bakit pakiramdam ko talaga naisahan ako


now i understand how each one of us are related to each other.
salamat sa friendster at salamat na din sa iyo at talagang narealize ko ito. d naman ako praning masyado pero naisip ko din ang isa pang bagay na nagpaisip pa sa akin ng lalo.

i just realize that any of us are capable of doing a lot of things.
hay ang babaw ng narealize ko. kahit na alam ko na ang bagay na ito noon pa.

bsta.bsta.bsta.

Wednesday, September 3, 2008

bakit kaya parang masama ang gising ko ngayong araw na ito?
biglang sumama ang pakiramdam ko.
biglang nalulungkot ako.
biglang naiinis ako.
d ko alam bakit affected ako.

sana kasama to sa binabasa mo ngayon.

***************

wala lang. gusto ko lang i-blog ang walang saysay na ito sa pagasang baka umayos na ang pakiramdam ko bukod sa sorry mo.

Tuesday, September 2, 2008

trip ko

trip kong magmaganda ngayon.
magsuot ng dress, mamasyal sa mall.

trip kong magpunta sa bookstore ngayon.
babasa ng libro, pipili ng mga coloring books kahit na wala naman talaga akong pambili.

trip kong mag ukay ukay ngayon.
kahit na trench coat, isusukat ko.

trip ko ang lahat ng mga bagay na ito ngayon dahil ayokong magpakaburo dito sa bahay para magmukmok sa di pagtawag ng ________ na yan!
GUARD YOUR HEART FOR IT IS THE WELLSPRING OF LIFE.

Monday, August 25, 2008

bagong adiksyon

ginabi na naman ako. hindi dahil sa panonood ng tv kundi dahil sa pagchachat. d naman talaga ako mahilig magchat e, pero lately napapadalas na ako magchat. eto na yata ang official bondage ko. nauubos ang oras ko sa chat. wala naman talaga akong particular people na inaabangan. bsta laftrip lang at chikahan lang talaga ang habol ko.

sa ngayon, may official virtual tambayan na ako sa yahoo. nagiging regular tambay nako dun. nakikilala na din ng ibang chatters ang astig kong nick.(hehehe...pang action star kasi) pero sa kabila ng asl, ctc, brb at gtg, d ko alam kung ano talaga napapala ko sa chat. pero kung pipilitin na may may sense ang kakachat ko maghapon, eto ang posibleng ma-gain sa chat:

  1. dadami ang friends mo.
    1. madadagdagan ang friends sa friendster account mo.
    2. madadagdagan din ang friends sa ym mo.
  2. pwde kang manligaw or pwde kang maligawan instantly.
    1. magkakaroon ka ng textmate.
    2. magkakaroon ka ng taga-load (kung makapal ang apog mo)
    3. magkakaroon ka din ng bf o gf kung nais mo.
  3. may malalabasan ka ng mga angst sa buhay mo. may makikinig sa iyo kahit na di ka nila kilala. may magbibigay ng payo sa iyo kahit na wala silang alam masyado sa buhay mo.
  4. pag regular chatter ka na, pwde kang maging bahagi ng clan. may kapangyarihan ka na sa chatroom. isa ka sa mga bossing dun.pwde kang magboot kahit sino.
  5. siyempre, dadami ang alam mong mga terms and acronyms: brb, asl, gtg, iggy, robot, wb at kung anu ano pa.
  6. dadami din ang matutunan mo sa mga kausap mo. tataas ang interpersonal skills mo.
    1. ang mga taga india, egypt, pakistan et al. ay may kamanyakang taglay.
    2. hindi lahat ng nagsasabi na sila ay male or female ay nagsasabi ng totoo.
    3. kalimitan sa mga taong nagsasabi ng age nila ay eksakto sa edad o pinapabata ang sarili.
    4. hindi lahat ng webcam ay dapat buksan. gayun din sa files na pinapadala sa iyo.
    5. marami sa mga chatters ay may ADHD. marami din ang may insomnia.marami din ang mga taong galit sa mundo.
    6. kahit na nagsasabi ka ng totoo ay di maniniwala sa iyo ang kausap mo.
    7. totoong may mga taong naghahanap ng mapapangasawa sa chat.
  7. bibilis ang typing skills mo.

sa pangkalahatan, ok pa rin ang chat. depende na lang sa mga kausap. minsan napapaaway ako ng walang kaabog abog. minsan naman may biglang may nanliligaw. minsan napapagkamalan pa akong bading at kung anu-ano pa. pero kahit na ano pa man yan, walang makapipigil sa akin sa chat. kahit na adik ako ngayon dito alam kong lilipas din ito pag nagkawork na ako. (sana nga!)

Saturday, August 23, 2008

wait lang talaga...

nauubos na pasensya ko sa paghihintay sa hr ng inaaplayan kong trabaho.

aba, aba naman ate at kuya! simpleng RA lang naman ang position na inapplayan ko sa isang university sa aming probinsya. e katakut takot na 6 na interview ang pinagdaanan ko..ok lang sana kung panel interview e, one on one pa. paulit ulit din lang naman ang mga tanong. tapos, isang punta ko sa hr, e isang interview. mapalad na 2 interview kada linggo! chaka talaga!

alam ko namang pwdeng mag apply ako sa iba e pero dahil sa napakasaklap na mga karanasan sa paghahanp ng trabaho sa manila (di ako nakakapunta lagi sa interview dahil nagkakasakit ako lately), minarapat ko na lang na tanggapin ang katotohanan na dito na lang sa aming probinsya magtrabaho. pero bakit? bakit ang saklap ng lahat? naku! di pa nag uumpisa ang trabaho ko dito e, punung-puno na ng angst ang dughan ko.

isang linggo pa sa paghihintay ko, at pag wala pa ring nagyari e talaga namang.....ewan! ang ayoko lang talaga e, parang balewala lang ako sa kanila pero gusto naman nila akong isiksik sa ibat ibang department. ang sakin lang, wag na lang sana nila akong piratahin sa ibat ibang department tapos ngayon walang natawag sa akin ni isa. ano ba mga lola???

Sunday, August 10, 2008

panghuhula at panaginip

ang aga aga pero inis na inis ako sa araw na ito.

e kasi ba naman, nag mala-madam auring na naman itong nanay ko.

manatkin ko bang ke aga aga e nag interpret na agad cya ng aking panaginip kinagabihan.

ang masama kasi nito, hindi na nga ako naniniwalang nagkakatotoo ang panaginip, e sabi pa nya ang kamalasang (para sa akin) hatid nito sa buhay ko.

e kasi, nakapanaginip ako ng isang ahas. (color violet na may fur ng konti). syempre, wala namang masama kung nakapanaginip ako nun di ba? medyo weird nga at freaky ang dream kong ito e. kasi natuklaw ako nito sa kamay ko 5 times at pati sa sikmura ko. sobra talaga ang takot ko nito. hindi naman masakit pero nung natuklaw ako, nagmukhang pigsa ung mga tuklaw sa akin. dun talaga ako natakot. nagkaroon na kasi ako ng pigsa dati at sooooooooobraaaaaaaaannnnnnng sakit!

so, balik ako sa istorya ko kung bakit ako inis na inis ngayon. ung nanay ko na kinukwentuhan tungkol sa aking mahiwagang panaginip ay bigla na lang sumabat ng, " ano kinagat ka ng ahas? ha? kinagat ka?....naku! magkakaasawa ka within one year!" anak ng tokwa! ano ba naman yan! parang gusto kong magdabog at tumakbo papalayo kaso mukhang napaka-OA ko naman pag nagkaganun. sinabi ko na lang na hindi ako naniniwala kahit na ipinagpipilitan sa akin ng nanay ko na magkakatotoo daw iyon. bwiset!

*kaya inis na inis din ako sa araw na ito dahil 2 years ago e, may isang lalaking di ko kilala ang nanghula na naman ng kapalaran ko. sabi nya sa akin, mag aasawa daw ako sa edad na 23.Lord! wag Mong pahintulutan ang mga bagay na ito!

Thursday, August 7, 2008

second degree

given the chance, what degree will i take after my BS forestry degree in UP?

di ko pa rin alam talaga since i have a wide range of interests pero i want to try my best to do everything i am passionate about before i die. siguro, eto muna ang pinakagusto kong mga courses na i-take sa kahit saang UP system.

(random order)

1. Certificate in Professional Teaching (tama ba?)
UPOU
di man ito pang masterals e ok lang kasi at least i could earn 18 units to take LET. pwde akong magaral at the same time e magtrabaho. hindi hassle sa mga plano sa buhay.

2. Educ/ Human Ecology
UPD/UPLB
hindi ba obvious na gusto kong maging isang guro?

3.sociology/anthropology
UPLB/UPD
may background na ako sa courses na ito dahil major ako ng social forestry. ngayon ko lang college nadiscover ang passion ko dito. siguro dahil sa sobrang bilib talaga ako sa passion din ng adviser ko bilang isang anthropologist

4.interior design
UPD
ito na yata ang first love ko. sa sobrang love ko to, talagang nafrustrate ako dahil hindi ako nakapagshift dito due to personal reasons. given the chance gusto ko pa ring maging in-line sa arts.

sa ngayon, wala pa talagang linaw para sa akin kung ano sa mga ito ang true love ko. alam kong kung kukunin ko ang lahat ng mga eto e di parang sinabi ko na rin na mag-aaral na lang ako habang buhay. di ko naman pinangarap na maging katulad ni aristotle. basta ang sa akin lamang ay gusto kong ma enjoy ang lahat ng mga bagay na nais kong gawin sa buhay. abutin man ako ng 80 y.o. bago ko makuha ang second degree, ok lang basta mapagbigyan ko lang ang hilig ko.

Saturday, August 2, 2008

UPCAT (maling title)

last day of UpCAt today! excited na ako at kinakabahan para sa lahat ng mga high school students (pati na rin sa mga magulang) na nag aasam na mapabilang sa Unibersidad ng Pilipinas.
(ang yabang!)

Bagamat gradweyt na ako sa ganitong karanasan, di pa rin nawawala sa aking alaala ang aking mga UP experiences... haay, ang sarap balik-balikan ng buhay UP. nariyan ang buhay estudyanteng walang pera, pancit canton and de lata moments, kakanta pag late sa klase, gigisahin at pagtritripan ng prof na bading, pag eexam ng buong maghapon ( parang nag UPCAT ka ng 2 rounds!), pag aaral ng walang patumangga at cyempre ang pangongolekta ng mga bagsak na quizzes... lahat ng ito, napakasarap balik balikan, kahit na namumugto na mata ko noon sa pag iyak sa hirap ng paggawa ng manuscript, natatawa na lang ako ngayon at nagpapasalamat at naranasan ko ang mga bagay na ito. hindi masusukat ang tagumpay ng walang mga mapapait na karanasan. masaya ako at naging bahagi ako ng unibersidad na ito.

kayat para sa mga estudyanteng nais mapabilang sa unibersidad, nawa ay mapabilang kayo sa UP nang maranasan nyo din ang ibat ibang mga karanasan dito. sana ay mabuo nyo ang inyong mga pangarap sa unibersidad na ito.

para sa mga estudyanteng ngayon ay nasa UP (para sa mga fresh meat), alam nyo na sigurong hindi puro yabangan lang dito. ang pagpasa nyo sa UP ay hindi dahilan para may maipagmalaki na kayo sa inyong mga kaibigan sa mga high school reunions. wala pa kayong maipagmamalaki dahil wala pa kayong napapatunayan. UPCAT pa lang ang naipasa nyo (at ilang mga exam ng mga profs nyo) pero hindi pa ito sapat. lagi nyong tandaan na hindi pagpasa sa UPCAT ang basehan para masabing ikaw ay matalino. lahat ng mga kaklase mo, batchmates mo, ka-course mo etc. ay matatalino. tapos na ang patalinuhan stage. ngayong nsa UP na kayo, back to zero na ulit. e ano ngayon kung valedictorian ka sa barangay nyo? pasipagan, tyagaan at willingness (anong filipino word nito?) upang matuto ang bakbakan dito.

para sa mga gradweyting, konti na lang at matatapos na ang lahat ng paghihirap nyo (sa ngayon! hehehe....) siguro konting puyat at suyo pa sa mga advisers nyo ay malalampasan nyo din ang lahat. iyak lang hanggat gusto nyo. ayos lang mapagod. matuto pa ring pangalagaan ang sarili dahil walang saysay yan kung bukas o makalawa e natigok na kayo sa sobrang pagod nyo sa paggawa ng thesis.

at para sa mga fresh grads ( ibibilang ko na lang ang sarili ko dito), ang tagal kong hinintay ang panahong ito para magyabang sa lahat na gradweyt na ako ng UP. pero hanggang sa ngayon ay di ko pa rin maggawang iwasiwas ang diploma ko na (btw, may centennial logo pa ha!) UP graduate na ako. siguro nga tumatanda na ako at nagmamature na din. tapos na ang UP angas moments ko (pero lumalabas pa rin sa ilang mga okasyon). alam kong napakarami pang tao ang higit na magaling pa sa akin at may higit na kakayahan kaysa sa akin. sapat na ang masabing isa ako sa mga iskolar ng bayan.

alam kong wala pa akong maipapakitang magandang trabaho, maraming pera o mas mataas na degree. pero ang aking mga karanasan, kakayahan, kaibigan at mga bagay na natutunan sa unibersidad bilang isang iska ang dahilan para maging proud ako na taga-UP ako.

Friday, May 23, 2008

updates...

sumasakit na puso ko sa paghihintay, pagtatanong, pag iisip at pagdadasal.

ano ba?

bakit ganto?

tanggap na ako sa metro ministries. 2 more steps to New York.

salamat, Lord! alam Nyo na po ang ibig sabihin ng aking salamat!

wala kaming review class para sa board. sarili talaga ang dapat asahan! at si Lord syempre.

Board exam na lang ang aking iisipin. only 1 month to go, hindi pa ako handa. todo na ito! hindi na pwedeng mag petiks-petiks pa.hindi na pwdeng mag isip pa ng kung anu-ano.
FOCUS!

uuwi na si papa this Sunday. wala na yata syang trabaho. no labor force for us in the family.

LORD! ano ito? panibago na namang surprise?

inhale. exhale. calm down.

Be still, I have God. For now, i can't help it but cry on His shoulders.

Thursday, May 1, 2008

flowers galore!

caleruaga, tagaytay























another baby in the family







i took pictures of the newest member in the Tatlonghari family. another CUTE baby named czar anthony. hope other relatives would see this baby. he is now 4 month old. quite a healthy baby boy.




baby anthony with her mom (in green)






SUPERMAN!




Wednesday, April 30, 2008

1 msg received

1 message received:
we regret to inform you that the refresher course for forestry graduates is cancelled because we were not able to meet the minimum participants. hope we can conduct next year.
o di ba? ang bongga! nakakainis! talagang nakakainis! ngayon ko lang nbalitaan na may ganitong pangyayari. dissolved ang review class namin dahil walang gustong magbayad ng 7k for the review. cyempre kanya-kanyang dahilan: walang pera, may work, busy et al. hay buhay! gusto ko sanang magkaroon sila ng pera, maraming, maraming pera!

Tuesday, April 29, 2008

graduation part 1

hooray! hell days are over. no more waking up in the early morning to study. no more cramming. no more paperwork deadlines? im finally out of school. for real! yeah! and a centennial graduate from my dream school.

i can't believe this. i only have these two solo pictures in my camera. what the heck happened?

would you mind if i stop and smile?


korean smile with a magna cumlaude.



and now, what's the next chapter? BOARD EXAM (or bored exam?) yeah. this is the final blow in my school life.

my.personal.lestimony

I was born and raised in a non-believer family. When I was young, I lived in an extended family with my grandparents who are very religious. I was sheltered with love and comfort by my family. Showing their support in every achievement I got from school. Just as any average child, my life was quite a happy and comfortable life. In high school, I was the average kid: joined clubs, met friends and got good grades.
My life turned 180 degrees when I entered college. That was the time I have to live all by myself with no one to help me around and tell me what I should do. At those times, I could say that I am free. Free to do everything I want.
During my freshman year, I lived in a small dormitory. Most of my dorm mates are from the upper class and one of them became one of my best friends. At that time, she was involved in one of the Christian organizations in the university, State Varsity Christian Fellowship. She is so friendly to everyone that even (even to freshmen) if I am not comfortable with Christians, she soon became my close friend and mentor. Once, she asked all of us (dorm mates) if we want to have a Bible Study group in our dormitory. We said yes but we never attended any. She also invited us to their fellowship but we never gave her a chance to attend one.
During that time, I never liked to be part of any organizations not even a Bible study group. I always thought that it will only hinder my studies. I also don’t like to be part of a Christian organization because I am never familiar about the things they do. Besides, I am not a bad person. In fact, I’m quite religious and I came from a religious family.
My life started to change when my dorm mate asked me to accompany her in one of the ministry schools of their organization. During that time, she was a volunteer and an understudy in a Bible study group for high school kids. The group meets only in the evening every week. It is a far-flung area located in Mt. Makiling. Public transportation is not accessible so one has to wait for a shuttle bus at a certain time only. I agreed to accompany her in their Bible study despite my reservations about the activity. Soon, the Bible study group I never liked became one of my interests. I was amazed by how kids were so excited to hear God’s Word. Everyone listened and read the verses in the Bible. Everyone participated and shared their stories. I was one of them. That was the time I started to read the Bible.
I became a regular attendee of the Bible Study group in that high school (although it is not allowed). My dorm mate gave me a responsibility in our group which is to make name plates for everyone. At that time, I was not yet a Christian. I just felt loved and appreciated by people because of the things I did.
Every time we have our Bible study group I noticed that the kids are always happy. In my mind, there is something in them that I think I don’t have. In one of our Bible study groups, the facilitator told the kids about Ephesians 2:8-9. It says, “For it is by grace that you have been saved, through faith-and this not from yourselves, it is the gift of God-not by works, so that no one can boast.” Those verses struck me. I just can’t believe it. All my life, I did nothing really, really bad. In fact, I always say I’m religious. Then all of a sudden, it just doesn’t matter. God opened my eyes in these verses. Then I realized what my dorm mate always told me. Now everything became clear.
Before, every time people asked me if I already accept Jesus Christ, I quickly say yes. But now, it takes a different meaning. Everything has a new meaning. I even became happy in a different meaning. I realized that these people are happy because they don’t live for themselves anymore. They don’t live for self-inflicted dreams. They always show their love and support to other people not because they call themselves Christians and it’s their obligation but because they do really feel the overflowing love of God. They do have a personal relationship with God.
I accepted Christ as my personal Lord and Savior in 2004. That became the moment of my life. I just can’t believe it. After everything I did wrong, I still became part of His Kingdom. I also became a legal volunteer counselor in that school. I started to be an understudy in that Bible Study group and my dorm mate became one of my mentors. Eventually, I became the regular counselor in that school and it lasted for more than four blessed years until I graduate in college.
Until now, I still feel that it was just yesterday when I first know Him personally. I am so amazed on how God changed my ordinary life into an extraordinary life. My natural passion with kids changed into a supernatural passion for the youth. And it all started with a simple “yes” to God.
to be continued...

by the way

by the way, i made an account in wordpress and made some posts there.












would you mind checking it out?

after a year or so...

after a year or so i'm back to blogspot. i don't know why im here again blogging. but i think i will officialy (YES! officially!) move in here.

so, everything seems fine to me with my wordpress account still intact.