buong araw na walang tao sa opisina ngayon. ako lang. walang maligalig na boss at walang mga chismosong/chismosang mga opismates. e kasi naman december 23 na. wala ng gustong pumasok sa opisina (maliban sa aking nangangailangan ng pera). dahil sa araw na ito, parang nadeklara ko na din ang araw ng kalayaan para sa akin dahil pwde akong magpasa ng resume sa internet, magchat at magblog buong maghapon. o di ba, ang saya! nakatipid pa ako sa kuryente sa bahay sa pagpasok ko sa opisina.
owel, e di eto na nga at nagbla-blog na nga ako ngayon. kakatapos lang ng lunchbreak ko. masaya naman at tahimik. nakapagpasa na ako ng ilang mga resume. gumawa na din ng ilang cover letter at nag fill up na din ng mga bio data. para bang naghahanda na talaga ako sa pag alis sa opisinang ito.
actually, noon ko pa gustong umalis. bagamat 3 buwan pa lang ako dito, pakiramdam ko e nasentensyahan na ako ng 5 taong pagkabilanggo. nakakainis dahil dati lagi kong sinasabi na lagi akong may option sa lahat ng pagkakataon. kung dati rati e anytime e pwde akong umalis bstat gusto ko, ngayon parang kelangan ko pa munang umakyat sa bundok para magmeditate bago magdesisyon kung magreresign ba ako sa trabaho kong ito o hindi.
nakakainis kasi ang hirap maghanap ng trabaho ngayon. sa hirap maghanap ng trabaho ngayon, eto ako at atat na atat sa pagreresign. asan na ang confidence ko?
dami ko pa sanang sasabihin pero tinatamad na ako.
Monday, December 22, 2008
Tuesday, December 9, 2008
pasensya na wala lang mapagbalingan sa oras na ito. hindi ko alam kung ano ba talaga ang dapat na maramdaman ko sa oras na ito. lagi na lang kasi parang ako may pagkukulang. lagi na lang ako ang dapat umunawa. nakikipag usap naman ako ng maayos. bigla ka na lang magagalit. lagi mong pinaparamdam sakin na ako ang laging mali at ikaw ang tama. ikaw ang laging magaling. ano ba talaga? badtrip! Boss naman... wag ganun!
Saturday, October 18, 2008
diskriminasyon sa pagiging iska
mahigit na akong isang buwan sa aking unang trabaho at mahigit isang buwan na din akong nadedepress. mahigit isang buwan na din akong naghahanap ng bagong kaibigan. kung iisipin kong maigi, mahigit isang buwan na din akong nagmamaktol sa aking mga kaopisina, sa stressful na trabaho at malungkot na working environment. obviously, mahigit isang buwan na din akong umaayaw sa pagtratrabaho.
bukod sa kamangmangan ko sa pagiging empleyada sa isang unibersidad (which is by the way, isang d naman kagalingan na unibersidad), parang napagisip isip kong mali yata ang pinasok kong trabaho. bukod sa isang clerical/administrative job pala ito (na sa pagkakaintindi ko ay dapat na research work talaga with community extension), ay parang nagmumukha na akong kakatwa sa pagiging taga UP ko.
hindi ko alam kung diskriminasyon ba talaga ito o talagang hindi lang kompatibol ang aking pagiging iska sa isang unibersidad na ito. sa mahigit na isang buwan sa unibersidad na pinapasukan ko, ito ang mga bagay d ko mawari kung ang dahilan ba nito ay pagiging taga UP ako o talagang kultura na lang nila ang bagay na ito.
hmmm..sige,paghahandaan ko ang araw na iyan.

- people dont accept an "i dont know" type of answer. e sa hindi ko alam e. i cant pretend to know everything. hindi ako perpekto.
- bawal magkamali.
- matataas mga expectations. minimal lang talaga ang dapat na mga mali. ang minor mistakes nagiging big deal. (talagang pinaparamdam nila sa akin kung gano sila kafrustrated sa aking pagkakamaling iyon)
- ang pagiging idealistic ko ay weird para sa kanila.
- ayaw nila ng matanong. naiirita sila.
- pag may tinatanong ako, d ako minsan pinapansin.
- pag nagbibigay ako ng opinion, iba din ang dating.
- lahat ng bagay sinisilip nila sa akin. pati raket ko kinukwenta kung magkano ang nakukuha ko.
- they stereotyped me as being rebelde, palaban, makulit etc. bakit daw hindi ko na lang tanggapin ang bagay bagay ng basta bsta.
- bilin sa kin ng mga officemates ko na wag ipapaabot sa boss agad pag nagkaroon ng mga problem sa office.pero pag may mga mali ako kahit na maliit na bagay lang e nakakarating sa boss.
- dinedemand akong magenglish sa lahat ng tao dahil un daw ang policy pero ni isa sa office e walang nag eenglish. at dahil sa walang ngenglish sa office d rin ako ngenglish. so napagalitan ako dahil dun. bakit ako magenglish kung lahat ng tao kinakausap ako sa tagalog.
- bawal biruin ang mga mga superiors. pero dahil sa friendly ako, hinihiritan ko minsan ang boss namin pati ang mga deans. nagugulat ang mga officemates ko dahil dun. at mula noon ay pinagbawalan akong gawin un.
- open target ako sa pambabara ng mga tao.
- may mga bagay na pag ginawa ko or sinabi ko e may magcomment agad na, "taga UP ka nga!"
- tingin ng mga officemates ko na wala akong pakealam sa mundo.
- may mga hirit din ang mga officemates na "walang ganyan dito, hindi ito UP!"
- bawal kwestiyonin ang sistema, kultura at pagiisip ng mga tao. duh!
- may mga trabaho na gusto ipasa agad sa akin kahit wala pa kong alam sa bagay na iyon.
- ayaw akong bigyan ng pagkakataon para umakyat.
- ginagawa akong aktibista at taga salo ng mga potential pananabon ng boss.
hmmm..sige,paghahandaan ko ang araw na iyan.
Friday, October 10, 2008
FOLLOW
FOLLOW
gawa ni: kuya maykol
You are there and I am here.
And, you and me, we are hurting.
But it’s okay. For we are where we exactly should be.
My road is not leading me to you.
For this, my hurts, I choose to not let you bear.
For this, our hopes, I choose to forsake.
And my life, I abandon for the cause.
For I am already dead.
Farewell.
abangan ang ilustrasyon ng tulang ito. ako ang yayare. pero sa ngayon, wala pa akong maisip kung para kanino ang tulang ito. masarap pa namang magpakasenti pag naulan.
Tuesday, October 7, 2008
pangalawang sweldo part 1
dumating na ulit ang payday. pangalawang payday. pangalawang pag aasam sa pera kong matagal ko ng hinihintay. salamat naman at dumating na ang araw na ito.
but no! bakit ganto?
3188.40 php!
ano naman to? bakit ganto sweldo ko?
saka ko na lang dagdagan ang entry na ito dahil talagang nakakabadtrip. nakakatawa nga e. napaiyak talaga ako habang naglalakad pauwi samin.pagkakuha ko ng pera pangbaon kinabukasan, bigla na lang nagflashback sa akin lahat ng pinaghirapan ko sa aking isang buwan sa trabaho. at dun, napaiyak talaga ako. hehehe....
lets wait and see na lang tomorrow...

Tuesday, September 30, 2008
unang sweldo part 3
dumating na ang araw na pinakahihintay ko. eto na ang araw kung kelan ako DAPAT sumweldo.
eto na! eto na! tingnan ko nga kung mapapaamo ako ng pera sa kabila ng lahat ng mga disappointments ko sa work.
lumipas ang ilang oras at ako ay pumunta na sa aking swelduhan counter. yehey!!! magkano kaya ang sweldo ko ngayon?
kaching! kaching! namumukhang slot machine na ang aking mga mata... pero wag ka, pagtingin ko sa atm....
charaaan!!!! wala pa rin akong sweldo!
nasan na ang sweldo ko? d ba nila ibibigay ngayon? holiday kaya bukas. so sa sunod pang araw ako susweldo. grabe!!!

unang sweldo part 2
sabi ng agency na mali nga daw ang kanilang pagkakainitindi sa sweldo ko, kala daw nila e per day ang rate ko. (research assistant pero per day ha!) o cya cya, ayokong magalit. pagpapasensyahan ko na lang ang kanilang kamalian tutal, pambili ko lang nman iyon ng coloring pens.
sabi ng agency sa next pay day na lang daw nila ilagay ang kabuuan ng aking sweldo which is next week.
magdiriwang ang buong opisina sa laki ng sweldo. kaya magpapakain ako kahit papano. sino gusto sumama?

Tuesday, September 23, 2008
unang sweldo part 1
ngayon ay september 23. ngayon ko matatanggap ang aking unang sweldo. kahit na tinatamad akong pumasok sa opisina, pinilit ko pa ring pumasok dahil ngayon ko makukuha ang pinakaasam asam kong sahod sa aking unang trabaho. (oo, nagmumukhang pera na talaga ako ngayon!)
so syempre, tulad ng mga nakaraang mga umaga, muntik na naman akong malate sa pagpasok.
tulad ng dati, may mga palpak na naman ako sa trabaho. tulad ng dati, may comment na naman sa akin na di tama ang mga kasamahan ko. at tulad pa rin ng dati, hindi ko maramdaman ang saya sa pagiging research assistant ko.
pero sabi ko sa sarili ko na iba ang araw na ito. kung ang mga nakaraang araw para sa akin ay madilim, ngayon ko nakikita ang liwanag. iniisip ko na magbabago ang pananaw ko sa aking trabaho pag nahawakan ko na ang aking pera. o hinde, parang d na ako makapaghintay. may listahan na ako ng mga gusto kong bilhin at kung sinu-sino ang mga taong magkakamit ng biyaya ng aking unang sweldo.
so ayan na nga, dumating na si atm. nakapangalan cyempre sa akin at may password na ****. ang saya! balak kong bumili ng pizza para sa mga officemates ko. ililibre ko sila ngayon. tutal, foundation day naman ng university na pinagtratrabahuhan namin, so why not, chocnut?
kaching!
kaching!
magwiwithdraw na ako! yehey! babayaran ko n din ang tuition ng kapatid ko. so ayun na nga, dali dali akong pumunta sa bangko at tinesting ang powers ni atm.
at charaaaaannnn......
ang aking 15 day na sahod ay tumataginting na...
1,998.26!
ano??? isang malaking ano? nasan na ang sinasabi nilang malaki ko DAW na sweldo? asan na ang balitang research staff daw ang highest paid employees sa unibersidad na ito? asan na ang mga taong nagugulat dahil sa mataas na starting salary ko? bad trip!

Friday, September 19, 2008
walaaanggg tulugaaaan!!!!
eto na naman ako at naka-bampira mode. syempre nga naman at talagang ginagawang hobby ko na ang pagpupuyat. missing the college days! sa kabila daw ng hindi magangdang epekto nito like diabetes sabi ng tatay ko, e d pa rin ako matitinag sa pagpupuyat.

INTERNET
internet lang naman ang inaatupag ko sa pagpupuyat. basa lang ng basa ng mga forums at articles sa www.peyups.com (na hanggang ngayon ay d pa rin ako myembro. bukod sa lurking, may kasama ding chat at radioblogclub. hala sige! walang patumanggang internet lang hanggat kaya ko pang idilat ang aking mga mata sa harap ng monitor.
HOUSEKEEPING
at dahil sa wala ngang nag aayos ng aming munting tahanan, naisipan kong maglinis ng konti dito sa bahay. narealize ko na hindi naman pala talaga ako ganung katamad. talagang every leap year lang kung maglinis ako ng bahay. narealize ko din na ayoko din pala ng magulo ang bahay. ayoko pala ng madumi. ewan ko kung bakit ganto mga naiisip ko ngayon.
MUSIC
hindi ako mahilig makinig ng musika. siguro kasi may pagkabingi ako at dahil sa hindi ko minsan maintindihan ng maayos ang mga sinasabi sa kanta kapag may ginagawa akong ibang bagay, e hindi na lang ako nag eeffort para pakinggan ang kanta. pero ngayong gabing ito, todo todo ako sa switchfoot. masarap din palang makinig sa mga kanta. para ding mga drama sa radyo.
CHAT
nabanggit ko na to dito kani kanina lang. napansin ko na parang napapadalas ang pagchachat ( d lang madalas, araw araw pa!) ko nitong mga nakaraang araw. hindi maganda ito sa akin. dapat may limit ang lahat ng bagay. mabilis pa naman akong maattach sa isang bagay. parang ung panonood ko ng sailormoon nung bata pa ako. restless talaga ako pag d ako makapanood ng sailormoon at si tuxedo mask. bakit nga kaya mabilis akong maobssess(mabano!) sa mga bagay bagay?
o hinde! 2:53 am na! may trabaho pa ako mamaya! pero hindi e, masaya pa ring magpuyat. masayang magmuni muni sa mga ginawa ko sa araw. masayang mag isip ng mga bagay na gusto kong gawin. masarap mangarap sa mga bagay na gusto kong makamit sa hinaharap. hay buhay! parang layp!

Thursday, September 18, 2008
God's will
bakit ba ako nagkakaganito?
nalilito talaga ako.
masaya. malungkot.at pilit na pigilan ang pagkakilig.
nakakainis talaga!
kaya ba ako ganito dahil gusto na kitang makilala?
hahaha!!! grabe! nahihiya ako habang nagtype ng mga salitang to.
para pa ngang nagblush ako e.
sino ka kaya?
nakasalubong na kaya kita?
nakasabay na kaya kita sa jip?
naging magkaklase na kaya tayo sa PE?
siguro anjan ka lang sa tabi tabi...
bakit kaya ang tagal mong magpakilala?
kanina pa ako naghihintay. sna wag ka naman malate.
ako lang ba ang naghihintay?
o ikaw talaga ang naghihintay sa akin?
ay ewan.
sana magmit na tayo sa personal.
pero tuwing iniisip ko yun parang ayoko pa.
parang d pa pala ako handa.
d ko alam kung kelan ako magiging handa.
iniisip ko na baka nalulungkot lang ako ngayon kaya hinahanap na naman kita.
lilipas din ito.
alam ko.
bsta wag ka ma late ha?

Sunday, September 14, 2008
to every guy
To every guy who said, "Sex CAN wait"
To every guy who said, "You're beautiful."
To every guy that was never too busy to drive across town to see her.
To every guy that gives her flowers and a card when she is sick or down.
To every guy who has given her flowers just because thats how he rolls.
To every guy that said he would die for her.
To every guy that really would.
To every guy that did what she wanted to do.
To every guy that cried in front of her. ....
To every guy that she cried in front of...
To every guy that holds hands with her.
To every guy that kisses her with meaning.
To every guy that hugs her when she's sad.
To every guy that hugs her for no reason at all.
To every guy who would give their jacket up for her.
To every guy that calls to make sure she got home safe.
To every guy that would sit and wait for her for hours just to see her for ten minutes.....
To every guy that would give his seat up...
To every guy that just wants to cuddle.
To every guy that reassured her that she was beautiful no matter what.
To every guy who told his secrets to her.
To every guy that tried to show how much he cared through every word and every breath.
To every guy that thought maybe this could be the one.
To every guy that believed in her dreams.
To every guy that would have done anything so she could achieve them.
To every guy that never laughed at her when she told him her dreams.
To every guy that walked her to her car and opened the door.
To every guy that gave his heart.
To every guy who prays that she is happy even if you are not with her.
Not many girls appreciate nice guys anymore...
And because of this, there are not many left out there...
**********
nakuha ko lang to sa friendster bulletin. and yes i pray na ganto si God's will.
**********
nakuha ko lang to sa friendster bulletin. and yes i pray na ganto si God's will.
Thursday, September 11, 2008
Saturday, September 6, 2008
2 araw ng pagiging RA
FRIDAY:
unang araw ng aking pagiging RA.
pil-up ng mga forms, philhealth, pag-ibig at kung anu-ano pa.
punta sa HR. balik sa department.
hi at hello sa mga tao.
familiarize sa mga gamit, facilities at pati photocopy machine.
libot kung san san at pakilala sa mga tao.
biruan with the faculty. sabay sa hirit at bungisngis.
lunchbreak. kain kasama ang mga officemates at faculty.
balik sa opis.
gawa.gawa.gawa.
hintay ng mag-alas 5.
hay salamat! uwian na!
SATURDAY:
time in ng 7:29 am. ang aga!
bukas ng pc.
friendster agad! add sa friends si SA.
check ang email.
kwento kwento habang wala pa ang mga kaopisina.
hanap ang ym sa pc. check ng mga online people.
receive ng mga documents.
gawa ng letter.
photocopy.
encode ng data.
chat habang wala si boss.
yehey! lunchbreak na!
**************
sa wakas may trabaho na ako! pero bakit d pa rin ako masaya?

Thursday, September 4, 2008
bakit pakiramdam ko talaga naisahan ako
now i understand how each one of us are related to each other.
salamat sa friendster at salamat na din sa iyo at talagang narealize ko ito. d naman ako praning masyado pero naisip ko din ang isa pang bagay na nagpaisip pa sa akin ng lalo.
i just realize that any of us are capable of doing a lot of things.
hay ang babaw ng narealize ko. kahit na alam ko na ang bagay na ito noon pa.
bsta.bsta.bsta.
Wednesday, September 3, 2008
bakit kaya parang masama ang gising ko ngayong araw na ito?
biglang sumama ang pakiramdam ko.
biglang nalulungkot ako.
biglang naiinis ako.
d ko alam bakit affected ako.
sana kasama to sa binabasa mo ngayon.
***************
wala lang. gusto ko lang i-blog ang walang saysay na ito sa pagasang baka umayos na ang pakiramdam ko bukod sa sorry mo.

Tuesday, September 2, 2008
trip ko
trip kong magmaganda ngayon.
magsuot ng dress, mamasyal sa mall.
trip kong magpunta sa bookstore ngayon.
babasa ng libro, pipili ng mga coloring books kahit na wala naman talaga akong pambili.
trip kong mag ukay ukay ngayon.
kahit na trench coat, isusukat ko.
trip ko ang lahat ng mga bagay na ito ngayon dahil ayokong magpakaburo dito sa bahay para magmukmok sa di pagtawag ng ________ na yan!

Monday, August 25, 2008
bagong adiksyon
ginabi na naman ako. hindi dahil sa panonood ng tv kundi dahil sa pagchachat. d naman talaga ako mahilig magchat e, pero lately napapadalas na ako magchat. eto na yata ang official bondage ko. nauubos ang oras ko sa chat. wala naman talaga akong particular people na inaabangan. bsta laftrip lang at chikahan lang talaga ang habol ko.
sa ngayon, may official virtual tambayan na ako sa yahoo. nagiging regular tambay nako dun. nakikilala na din ng ibang chatters ang astig kong nick.(hehehe...pang action star kasi) pero sa kabila ng asl, ctc, brb at gtg, d ko alam kung ano talaga napapala ko sa chat. pero kung pipilitin na may may sense ang kakachat ko maghapon, eto ang posibleng ma-gain sa chat:
sa pangkalahatan, ok pa rin ang chat. depende na lang sa mga kausap. minsan napapaaway ako ng walang kaabog abog. minsan naman may biglang may nanliligaw. minsan napapagkamalan pa akong bading at kung anu-ano pa. pero kahit na ano pa man yan, walang makapipigil sa akin sa chat. kahit na adik ako ngayon dito alam kong lilipas din ito pag nagkawork na ako. (sana nga!)

- dadami ang friends mo.
- madadagdagan ang friends sa friendster account mo.
- madadagdagan din ang friends sa ym mo.
- pwde kang manligaw or pwde kang maligawan instantly.
- magkakaroon ka ng textmate.
- magkakaroon ka ng taga-load (kung makapal ang apog mo)
- magkakaroon ka din ng bf o gf kung nais mo.
- may malalabasan ka ng mga angst sa buhay mo. may makikinig sa iyo kahit na di ka nila kilala. may magbibigay ng payo sa iyo kahit na wala silang alam masyado sa buhay mo.
- pag regular chatter ka na, pwde kang maging bahagi ng clan. may kapangyarihan ka na sa chatroom. isa ka sa mga bossing dun.pwde kang magboot kahit sino.
- siyempre, dadami ang alam mong mga terms and acronyms: brb, asl, gtg, iggy, robot, wb at kung anu ano pa.
- dadami din ang matutunan mo sa mga kausap mo. tataas ang interpersonal skills mo.
- ang mga taga india, egypt, pakistan et al. ay may kamanyakang taglay.
- hindi lahat ng nagsasabi na sila ay male or female ay nagsasabi ng totoo.
- kalimitan sa mga taong nagsasabi ng age nila ay eksakto sa edad o pinapabata ang sarili.
- hindi lahat ng webcam ay dapat buksan. gayun din sa files na pinapadala sa iyo.
- marami sa mga chatters ay may ADHD. marami din ang may insomnia.marami din ang mga taong galit sa mundo.
- kahit na nagsasabi ka ng totoo ay di maniniwala sa iyo ang kausap mo.
- totoong may mga taong naghahanap ng mapapangasawa sa chat.
- bibilis ang typing skills mo.
sa pangkalahatan, ok pa rin ang chat. depende na lang sa mga kausap. minsan napapaaway ako ng walang kaabog abog. minsan naman may biglang may nanliligaw. minsan napapagkamalan pa akong bading at kung anu-ano pa. pero kahit na ano pa man yan, walang makapipigil sa akin sa chat. kahit na adik ako ngayon dito alam kong lilipas din ito pag nagkawork na ako. (sana nga!)
Saturday, August 23, 2008
wait lang talaga...
nauubos na pasensya ko sa paghihintay sa hr ng inaaplayan kong trabaho.
aba, aba naman ate at kuya! simpleng RA lang naman ang position na inapplayan ko sa isang university sa aming probinsya. e katakut takot na 6 na interview ang pinagdaanan ko..ok lang sana kung panel interview e, one on one pa. paulit ulit din lang naman ang mga tanong. tapos, isang punta ko sa hr, e isang interview. mapalad na 2 interview kada linggo! chaka talaga!
alam ko namang pwdeng mag apply ako sa iba e pero dahil sa napakasaklap na mga karanasan sa paghahanp ng trabaho sa manila (di ako nakakapunta lagi sa interview dahil nagkakasakit ako lately), minarapat ko na lang na tanggapin ang katotohanan na dito na lang sa aming probinsya magtrabaho. pero bakit? bakit ang saklap ng lahat? naku! di pa nag uumpisa ang trabaho ko dito e, punung-puno na ng angst ang dughan ko.
isang linggo pa sa paghihintay ko, at pag wala pa ring nagyari e talaga namang.....ewan! ang ayoko lang talaga e, parang balewala lang ako sa kanila pero gusto naman nila akong isiksik sa ibat ibang department. ang sakin lang, wag na lang sana nila akong piratahin sa ibat ibang department tapos ngayon walang natawag sa akin ni isa. ano ba mga lola???

Subscribe to:
Posts (Atom)