Monday, December 22, 2008

trabaho sa ika-disyembre 23

buong araw na walang tao sa opisina ngayon. ako lang. walang maligalig na boss at walang mga chismosong/chismosang mga opismates. e kasi naman december 23 na. wala ng gustong pumasok sa opisina (maliban sa aking nangangailangan ng pera). dahil sa araw na ito, parang nadeklara ko na din ang araw ng kalayaan para sa akin dahil pwde akong magpasa ng resume sa internet, magchat at magblog buong maghapon. o di ba, ang saya! nakatipid pa ako sa kuryente sa bahay sa pagpasok ko sa opisina.

owel, e di eto na nga at nagbla-blog na nga ako ngayon. kakatapos lang ng lunchbreak ko. masaya naman at tahimik. nakapagpasa na ako ng ilang mga resume. gumawa na din ng ilang cover letter at nag fill up na din ng mga bio data. para bang naghahanda na talaga ako sa pag alis sa opisinang ito.

actually, noon ko pa gustong umalis. bagamat 3 buwan pa lang ako dito, pakiramdam ko e nasentensyahan na ako ng 5 taong pagkabilanggo. nakakainis dahil dati lagi kong sinasabi na lagi akong may option sa lahat ng pagkakataon. kung dati rati e anytime e pwde akong umalis bstat gusto ko, ngayon parang kelangan ko pa munang umakyat sa bundok para magmeditate bago magdesisyon kung magreresign ba ako sa trabaho kong ito o hindi.

nakakainis kasi ang hirap maghanap ng trabaho ngayon. sa hirap maghanap ng trabaho ngayon, eto ako at atat na atat sa pagreresign. asan na ang confidence ko?

dami ko pa sanang sasabihin pero tinatamad na ako.

Tuesday, December 9, 2008

pasensya na wala lang mapagbalingan sa oras na ito. hindi ko alam kung ano ba talaga ang dapat na maramdaman ko sa oras na ito. lagi na lang kasi parang ako may pagkukulang. lagi na lang ako ang dapat umunawa. nakikipag usap naman ako ng maayos. bigla ka na lang magagalit. lagi mong pinaparamdam sakin na ako ang laging mali at ikaw ang tama. ikaw ang laging magaling. ano ba talaga? badtrip! Boss naman... wag ganun!

Saturday, October 18, 2008

diskriminasyon sa pagiging iska

mahigit na akong isang buwan sa aking unang trabaho at mahigit isang buwan na din akong nadedepress. mahigit isang buwan na din akong naghahanap ng bagong kaibigan. kung iisipin kong maigi, mahigit isang buwan na din akong nagmamaktol sa aking mga kaopisina, sa stressful na trabaho at malungkot na working environment. obviously, mahigit isang buwan na din akong umaayaw sa pagtratrabaho.

bukod sa kamangmangan ko sa pagiging empleyada sa isang unibersidad (which is by the way, isang d naman kagalingan na unibersidad), parang napagisip isip kong mali yata ang pinasok kong trabaho. bukod sa isang clerical/administrative job pala ito (na sa pagkakaintindi ko ay dapat na research work talaga with community extension), ay parang nagmumukha na akong kakatwa sa pagiging taga UP ko.

hindi ko alam kung diskriminasyon ba talaga ito o talagang hindi lang kompatibol ang aking pagiging iska sa isang unibersidad na ito. sa mahigit na isang buwan sa unibersidad na pinapasukan ko, ito ang mga bagay d ko mawari kung ang dahilan ba nito ay pagiging taga UP ako o talagang kultura na lang nila ang bagay na ito.

  1. people dont accept an "i dont know" type of answer. e sa hindi ko alam e. i cant pretend to know everything. hindi ako perpekto.
  2. bawal magkamali.
  3. matataas mga expectations. minimal lang talaga ang dapat na mga mali. ang minor mistakes nagiging big deal. (talagang pinaparamdam nila sa akin kung gano sila kafrustrated sa aking pagkakamaling iyon)
  4. ang pagiging idealistic ko ay weird para sa kanila.
  5. ayaw nila ng matanong. naiirita sila.
  6. pag may tinatanong ako, d ako minsan pinapansin.
  7. pag nagbibigay ako ng opinion, iba din ang dating.
  8. lahat ng bagay sinisilip nila sa akin. pati raket ko kinukwenta kung magkano ang nakukuha ko.
  9. they stereotyped me as being rebelde, palaban, makulit etc. bakit daw hindi ko na lang tanggapin ang bagay bagay ng basta bsta.
  10. bilin sa kin ng mga officemates ko na wag ipapaabot sa boss agad pag nagkaroon ng mga problem sa office.pero pag may mga mali ako kahit na maliit na bagay lang e nakakarating sa boss.
  11. dinedemand akong magenglish sa lahat ng tao dahil un daw ang policy pero ni isa sa office e walang nag eenglish. at dahil sa walang ngenglish sa office d rin ako ngenglish. so napagalitan ako dahil dun. bakit ako magenglish kung lahat ng tao kinakausap ako sa tagalog.
  12. bawal biruin ang mga mga superiors. pero dahil sa friendly ako, hinihiritan ko minsan ang boss namin pati ang mga deans. nagugulat ang mga officemates ko dahil dun. at mula noon ay pinagbawalan akong gawin un.
  13. open target ako sa pambabara ng mga tao.
  14. may mga bagay na pag ginawa ko or sinabi ko e may magcomment agad na, "taga UP ka nga!"
  15. tingin ng mga officemates ko na wala akong pakealam sa mundo.
  16. may mga hirit din ang mga officemates na "walang ganyan dito, hindi ito UP!"
  17. bawal kwestiyonin ang sistema, kultura at pagiisip ng mga tao. duh!
  18. may mga trabaho na gusto ipasa agad sa akin kahit wala pa kong alam sa bagay na iyon.
  19. ayaw akong bigyan ng pagkakataon para umakyat.
  20. ginagawa akong aktibista at taga salo ng mga potential pananabon ng boss.
alam kong napakarami ko pang pwdeng baybayin dito at aabutin ako ng magdamag sa paglilitanya ng mga karimarimarim na mga bagay. pero eto talaga ang tumatak sa utak ko habang naglunch kami ng mga officemates ko. sabi ng senior namin(pangalawang boss), "kung d mo na kaya ang sistema dito, mabuti pang magresign ka na lang."

hmmm..sige,paghahandaan ko ang araw na iyan.

Friday, October 10, 2008

FOLLOW


FOLLOW
gawa ni: kuya maykol

You are there and I am here.
And, you and me, we are hurting.
But it’s okay. For we are where we exactly should be.
My road is not leading me to you.
For this, my hurts, I choose to not let you bear.
For this, our hopes, I choose to forsake.
And my life, I abandon for the cause.
For I am already dead.
Farewell.
abangan ang ilustrasyon ng tulang ito. ako ang yayare. pero sa ngayon, wala pa akong maisip kung para kanino ang tulang ito. masarap pa namang magpakasenti pag naulan.

Tuesday, October 7, 2008

pangalawang sweldo part 1

dumating na ulit ang payday. pangalawang payday. pangalawang pag aasam sa pera kong matagal ko ng hinihintay. salamat naman at dumating na ang araw na ito.

but no! bakit ganto?


3188.40 php!

ano naman to? bakit ganto sweldo ko?

saka ko na lang dagdagan ang entry na ito dahil talagang nakakabadtrip. nakakatawa nga e. napaiyak talaga ako habang naglalakad pauwi samin.pagkakuha ko ng pera pangbaon kinabukasan, bigla na lang nagflashback sa akin lahat ng pinaghirapan ko sa aking isang buwan sa trabaho. at dun, napaiyak talaga ako. hehehe....

lets wait and see na lang tomorrow...

Tuesday, September 30, 2008

unang sweldo part 3

dumating na ang araw na pinakahihintay ko. eto na ang araw kung kelan ako DAPAT sumweldo.

eto na! eto na! tingnan ko nga kung mapapaamo ako ng pera sa kabila ng lahat ng mga disappointments ko sa work.

lumipas ang ilang oras at ako ay pumunta na sa aking swelduhan counter. yehey!!! magkano kaya ang sweldo ko ngayon?

kaching! kaching! namumukhang slot machine na ang aking mga mata... pero wag ka, pagtingin ko sa atm....

charaaan!!!! wala pa rin akong sweldo!

nasan na ang sweldo ko? d ba nila ibibigay ngayon? holiday kaya bukas. so sa sunod pang araw ako susweldo. grabe!!!

unang sweldo part 2

sabi ng agency na mali nga daw ang kanilang pagkakainitindi sa sweldo ko, kala daw nila e per day ang rate ko. (research assistant pero per day ha!) o cya cya, ayokong magalit. pagpapasensyahan ko na lang ang kanilang kamalian tutal, pambili ko lang nman iyon ng coloring pens.

sabi ng agency sa next pay day na lang daw nila ilagay ang kabuuan ng aking sweldo which is next week.

magdiriwang ang buong opisina sa laki ng sweldo. kaya magpapakain ako kahit papano. sino gusto sumama?