Saturday, August 2, 2008

UPCAT (maling title)

last day of UpCAt today! excited na ako at kinakabahan para sa lahat ng mga high school students (pati na rin sa mga magulang) na nag aasam na mapabilang sa Unibersidad ng Pilipinas.
(ang yabang!)

Bagamat gradweyt na ako sa ganitong karanasan, di pa rin nawawala sa aking alaala ang aking mga UP experiences... haay, ang sarap balik-balikan ng buhay UP. nariyan ang buhay estudyanteng walang pera, pancit canton and de lata moments, kakanta pag late sa klase, gigisahin at pagtritripan ng prof na bading, pag eexam ng buong maghapon ( parang nag UPCAT ka ng 2 rounds!), pag aaral ng walang patumangga at cyempre ang pangongolekta ng mga bagsak na quizzes... lahat ng ito, napakasarap balik balikan, kahit na namumugto na mata ko noon sa pag iyak sa hirap ng paggawa ng manuscript, natatawa na lang ako ngayon at nagpapasalamat at naranasan ko ang mga bagay na ito. hindi masusukat ang tagumpay ng walang mga mapapait na karanasan. masaya ako at naging bahagi ako ng unibersidad na ito.

kayat para sa mga estudyanteng nais mapabilang sa unibersidad, nawa ay mapabilang kayo sa UP nang maranasan nyo din ang ibat ibang mga karanasan dito. sana ay mabuo nyo ang inyong mga pangarap sa unibersidad na ito.

para sa mga estudyanteng ngayon ay nasa UP (para sa mga fresh meat), alam nyo na sigurong hindi puro yabangan lang dito. ang pagpasa nyo sa UP ay hindi dahilan para may maipagmalaki na kayo sa inyong mga kaibigan sa mga high school reunions. wala pa kayong maipagmamalaki dahil wala pa kayong napapatunayan. UPCAT pa lang ang naipasa nyo (at ilang mga exam ng mga profs nyo) pero hindi pa ito sapat. lagi nyong tandaan na hindi pagpasa sa UPCAT ang basehan para masabing ikaw ay matalino. lahat ng mga kaklase mo, batchmates mo, ka-course mo etc. ay matatalino. tapos na ang patalinuhan stage. ngayong nsa UP na kayo, back to zero na ulit. e ano ngayon kung valedictorian ka sa barangay nyo? pasipagan, tyagaan at willingness (anong filipino word nito?) upang matuto ang bakbakan dito.

para sa mga gradweyting, konti na lang at matatapos na ang lahat ng paghihirap nyo (sa ngayon! hehehe....) siguro konting puyat at suyo pa sa mga advisers nyo ay malalampasan nyo din ang lahat. iyak lang hanggat gusto nyo. ayos lang mapagod. matuto pa ring pangalagaan ang sarili dahil walang saysay yan kung bukas o makalawa e natigok na kayo sa sobrang pagod nyo sa paggawa ng thesis.

at para sa mga fresh grads ( ibibilang ko na lang ang sarili ko dito), ang tagal kong hinintay ang panahong ito para magyabang sa lahat na gradweyt na ako ng UP. pero hanggang sa ngayon ay di ko pa rin maggawang iwasiwas ang diploma ko na (btw, may centennial logo pa ha!) UP graduate na ako. siguro nga tumatanda na ako at nagmamature na din. tapos na ang UP angas moments ko (pero lumalabas pa rin sa ilang mga okasyon). alam kong napakarami pang tao ang higit na magaling pa sa akin at may higit na kakayahan kaysa sa akin. sapat na ang masabing isa ako sa mga iskolar ng bayan.

alam kong wala pa akong maipapakitang magandang trabaho, maraming pera o mas mataas na degree. pero ang aking mga karanasan, kakayahan, kaibigan at mga bagay na natutunan sa unibersidad bilang isang iska ang dahilan para maging proud ako na taga-UP ako.

No comments: